Archive

Posts Tagged ‘100 days’

Bayaning luhaan?

October 9, 2010 Leave a comment

Bayaning luhaan?

ni: Harvey S. Keh, Abante

http://abante.com.ph/issue/oct0810/op_hk.htm

Ngayon ang ika-100 araw ng panunungkulan ng administrasyong Aquino at sa totoo lang masyado pa naman talagang maaga upang husgahan na natin kung naging matagumpay o naging palpak ito.
Gaya ng karamihan ng mga Filipino, buo pa rin ang aking tiwala kay Pa ngulong Noynoy Aquino, sa tingin ko ay kahit na may mga ilang pagsubok na dumaan sa kanyang administrasyon ay marami naman tayong nakikitang unti-unting pagbabago sa pamamalakad ng ating pamahalaan.

Isa na rito ay ang pagi ging matipid at payak ng pamumuhay ni Aquino na kung matatandaan natin ay sa halip na kumain sa mga mamahaling mga kainan sa Estados Unidos ay nakuntento na lamang na kumain ng hotdog na ibinebenta sa mga kalye sa New York.

Ibang-iba ito sa naging pamamalakad nu’ng nakaraang administrasyon kung saan tila naging manhid ang dating Pangulo sa kahirapan ng ating mga kababayan.

Makikita rin natin na seryoso ang ating admi nistrasyon sa pagpapakita sa taumbayan kung saan at paano ginagastos ang pondo ng gobyerno sa pamamagitan ng pag-uutos sa lahat ng mga departamento at mga lokal na pamahalaan na ilathala ang kanilang mga pinaggagamitan ng pondo.

Halimbawa rito ay ang ginagawa ng DILG sa pamumuno ni Sec. Jesse Robredo at DPWH sa pamumuno ni Sec. Rogelio Singson kung saan makikita sa internet ang lahat ng kanilang mga proyekto at kung magkakano ang ginamit nila para sa mga ito.

Bukod pa rito ay kabi-kabila nang mga kaso ang inihain ng pamahalaan laban sa mga negosyanteng hindi nagbabayad ng tamang buwis at sa mga tiwaling mga opisyal sa BIR at sa Customs.

Sana lamang ay hindi matapos ito sa pagsasampa lamang ng kaso at dapat ay managot sa batas kung sino man ang mapapatunayang may sala. Ilan lamang ito sa mga nakikita nating pagsa sabuhay ng administrasyong Aquino sa kanilang panga kong dadalhin ang ating bayan sa matuwid na landas.

Sa tingin ko ay kung mayroon mang dapat bigyan pa nang karagdagang pansin ng ating administras­yon ay ang kalagayan ng mga OFWs sa ibang bansa.

Hindi naman lingid sa kaalaman natin na marami pa rin sa ating mga kababayan ang inaabuso ng kanilang mga amo at ang nakakalungkot ay sila pa minsan ang kinukulong dahil na rin sa kakulangan ng suporta mula sa ating pamahalaan.

Ang mas nakakalungkot ay marami pa rin sa ating mga OFW ang umuuwi sa ating bansa ng wala man lang naipon dahil na rin sa naging biktima sila ng panloloko ng kanilang mga kababayan.

Malaki ang nagiging kontribusyon ng mga OFWs sa ating ekonomiya, sa taong ito lamang ay inaasahan na mahigit 18 bilyong dolyar ang perang maipapasok nila sa ating bayan.

Marahil kung kalahati lamang dito ang mawawala ay siguradong mahihirapan nang husto ang ating ekonomiya at marami na naman ang mawawalan ng trabaho sa ating bayan. Pakiusap natin sa ating Pangulo na sana ay magkaroon ng maayos na programa na tutugon sa bawat pangangailangan ng ating mga OFWs.

Madali kasing sabihin na sila ay mga bagong ba yani ng ating bayan ngunit hahayaan na lamang ba natin na uuwi silang mga bayaning luhaan? Huwag naman sana.

Para sa inyong mga komento, mag-text sa 09199575444.

Visit my blog at : https://harveykeh.wordpress.com
Follow me at : http://twitter.com/harveykeh
http://kayanatin.com

Kamusta na ang Tuwid na Daan?

September 29, 2010 Leave a comment